Sunday, October 13, 2013

Buwan ng Wika~2013
















Ang wika, isa sa napakaimportanteng dapat nating pagyabungin at ipagmalaki. Hindi lamang ito nagagamit sa pakikipag komunikasyon kundi dito nasasalamin ang tunay na pagkakaisa ng isang bansa. Ito ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino sa ibang bansa. Ang wika nating Filipinoo ang nagsisilbing kaluluwa ng bansang Pilipinas dahil ito ang nagbibigay buhay nito. Ito ang nagsisilbing tulay sa bawat mamamayan upang magkaintindihan at magkaunawaan. At sa gayon, mas napapalalim natin ang ating pag-ibig sa bawat isa.

Pero kung ating titignan, madami nang mga lengguwahe ang nagagamit sa ating bansa. Dito natin masasalamin ang iba't ibang kultura't impluwensiya na humuhulma sa ating pagkatao. Samakatwid ang ating pambansang wika ang batayan ng ating nakaraan. At makikita natin na ang mga pagbabago sa ating kultura at pag-usbong ng iba' ibang lengguwahe ang lalong nagpapaganda sa ating bansa.





http://tl.answers.com/Q/Bakit_ipinag_diriwang_ang_Buwan_ng_Wika_tuwing_agosto


No comments:

Post a Comment